26 C
Manila
Thursday, February 22, 2024

Davao: Sugat sa operasyon ang miyembro ng DavNor SWAT; suspect nanlaban-patay; iba pang walong suspek huli

- Advertisement -

Sugatan ang isang SWAT member ng Davao del Norte Provincial Police Office matapos itong pagbabarilin habang nagse-serve ng search warrant sa bahay ng kanilang target sa Prk 1, Pagaran compound, Brgy Apokon, Tagum City, 3:15PM, October 19

Visit RPN DXKT Davao

Sa ulat, papunta sa bahay ang mga miyembro ng SWAT kasama ang mga tauhan ng Tagum City Police Station at mga tauhan ng PDEU mula sa DNPPO Provincial Headquarters para magsilbi ng warrant, nang biglang umalingawngaw ang putok ng baril.

Sa pangyayari, tinamaan si PSSg Quimba.

Mabilis na gumanti ang mga awtoridad, at binaril din ang suspek na si Rammie Jhon Caylan.Dinala sa Davao Regional Medical Center sina PSSg Quimba at ang suspek na natamaan din, ngunit hindi na umabot ng buhay ang suspek at namatay.

Nakuha mula sa pinangyarihan ng krimen ang cal. 45 pistol at mga bala.

Sa kabilang banda, nang isilbi ang warrant, naaresto rin ang walo pang personalidad at nakuha nila ang

pinaniniwalaang illigal na droga at mga drug paraphernalia, kabilang ang dalawang hindi dokumentadong armas.

(Source: Davao del Norte Police Provincial Office)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -