Davao: Isang politikong supporter patay matapos pagbabarilin ng hindi kilalang armadong suspek sa Manay, Davao Oriental

0
224

Kahapon 10:45 ng umaga, Abril 1, 2022 sa Purok 10, Brgy Central, Manay, Davao Oriental. Patay ang supporter ng isang politiko matapos barilin sa ulo habang nagmamaneho ng kaniyang motorsiklo patunggo sa San Ignacio.

Visit RPN DXKT Davao

Kinilala ni Manay Municipal Police Station Chief of Police Major Meliton Sango ang biktima na si Danilo Lumikid alyas “Donnie”.

Ayon kay Police Major Sango na isa din sa mga umi-imbestiga sa kaso. Tinitingnan nila ang motibo ng naturang krimen kung ito ba ay Election related incident o may konektado sa 3 Cyber Libel case na hinaharap ng biktima.

Sinusiri na ngayon ng mga kapulisan ang motibo ng suspek sa krimen.

(Source: KAMM Media Network)

Leave a Reply