32 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Dating nobyo ng yumaong K-pop star kulong ng isang taon

- Advertisement -

Pinatawan ng isang taong pagkakakulong ng isang korte sa South Korea ang dating boypren ng yumaong K-pop star na si Goo Hara.

Ayon sa hukuman, napatunayang guilty si Choi Jong-Bum sa iba’t ibang kaso dulot nang pamba-blackmail kay Goo tungkol sa umano’y sex videos ng dalawa na naging dahilan upang magpakamatay ang biktima.

Natagpuang wala nang buhay si Goo sa kanilang bahay noong november 2019 at hinihinalang nagpakamatay dahil sa sinasabing pananakot ni Choi na ikakalat ang kanilang malalaswang video, maliban pa sa mga masasamang komento na natanggap ng biktima mula sa mga netizens.

Giit pa ng korte, nagtamo ng matinding trauma at seryosong pagkasira ng reputasyon si Goo na maaaring nagtulak dito para kitilin ang kanyang sariling buhay.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -