35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Dalawang Rebeldeng NPA Patay Sa Engkwentro

- Advertisement -

Dalawang rebeldeng NPA ang patay sa engkwentro ng militar Enero 25, 2019 alas 4 ng madaling araw sa Sitio Little Baguio, Payapag, Bacuag, Surigao del Norte.

Nangyari ang sagupaan ng magpatrolya ang tropa ng 30IB at bigla na lang nakasalubong ang tatlumpong armadong CPP NPA na pinaniwalaang kasapi ng Sandatahang Platon pampropaganda 16C, GFC16, NEMRC. Tumagal ng isa at kalahating oras ang putokan at umatras ang kalaban papuntang hilagang direksyon.

Nakuha ng militar ang isang AK47 at isang M16, mga bala, mga sangkap para sa IED, mga gamot at subersibong mga dokumento. Ang bangkay ng isang lalaki at babae ay nasa isang purenarya sa bayan ng Bacuag, Surigao Del Norte.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -