- Advertisement -
Matapos ang ilang linggong oil price rollback, asahan na sa susunod na linggo ang dagdag-bawas sa mga produktong petrolyo.
Sa magkahiwalay na abiso ng Shell Petroleum Corp. at Seaoil, epektibo sa Martes, Pebrero 8 ang P0.35 dagdag presyo sa kada litro ng gasolina.
Habang P0.10 naman ang ita-tapyas sa presyo ng litro ng diesel at kerosene.
Magpapatupad din naman ng kaparehong dagdag-bawas sa kanilang mga produktong petrolyo ang Cleanfuel at Petrogazz.
- Advertisement -