DA magbibigay ng ayuda sa mga apektado ng pagalburoto ng bulkang Taal sa Batangas

DA magbibigay ng ayuda sa mga apektado ng pagalburoto ng bulkang Taal sa Batangas

by Powered by DWIZ
15 views

Maglalaan ng mahigit P21-milyong pondo ang Department of Agriculture (DA) bilang ayuda sa 17 bayan na apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Taal.

Batay kasi sa datos ng DA, pumalo na sa mahigit P500-milyon ang halaga ng pinsala ng pagputok ng bulkang Taal sa sektor ng agrikultura.

Kasabay nito, ipinabatid din umano ng Bureau of Plant Industry ang kanilang ipamamahaging 5,000 coffee mother plant at 1,000 cacao seedling.

Naghahanda na rin umano ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng mga fingerlings ng tilapia, ulang, hito, karpa, at ayunging na mapalalaki lamang sa taal lake sa oras na maging maaayos na ang sitwasyon dito.

Sinabi rin ng DA na may pondo ring maasahan ang mga magsasaka at mangingisda na kumuha ng insurance sa Philippine Crop Insurance Corp.

0 comment

Related Posts