28.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

DA humiling ng mas malaking pondo sa 2021

- Advertisement -

Umaapela ang Department of Agriculture (DA) sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng mas malaking pondo  para sa susunod na taon.

Batay sa isinumiteng budget proposal ng DA, humihiling ito ng P284.4-bilyong budget para sa susunod na taon, mas mataas ito ng 255.9% kumpara sa pondo ng ahensya ngayong 2020.

Paliwanag ni Agriculture Secretary William Dar, malubha kasing apektado ngayon ang sektor ng agrikultura dahil sa nararanasang krisis bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Aniya, gagamitin naman ito sa pag-alalay sa paglago at muling pagbangon ng sektor ng agrikultura at pangingisda dahil sa naging epekto ng krisis sa bansa.

Samantala, tinukoy naman ng kalihim ang kahalagahan ng agrikultura sa bansa partikular na sa national development at pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain kung saan 10% ng gross domestic product (GDP) ng bansa ay dito nagmumula.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -