30 C
Manila
Friday, March 29, 2024

DA bubuo ng task force vs. ASF

- Advertisement -

Bubuo ng National Task Force on Swine Disease ang Department of Agriculture (DA) upang tiyaking hindi na kakalat pa ang African Swine Flu na kumapit sa mga baboy mula sa Rizal at Bulacan.

Maliban sa DA, kabilang sa mga posibleng maging miyembro ng task force ang Department of finance, Department of the Interior and Local Government at Department of National Defense.

Ikinakasa na rin ng DA ang pamamahagi ng livelihood assistance sa mga apektadong nangangalaga ng mga baboy lalo na sa mga backyard pig raisers.

Nasa mahigit sa 7,000 baboy ang sinunog at inilibing na kabilang ang mga wala namang sintomas subalit nasa 1-kilometro ang layo sa mga apektadong piggery.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -