36.1 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Crew at mga opisyal ng Xiamen Air haharap sa imbestigasyon

- Advertisement -

Gumulong na ang imbestigasyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP sa pagsadsad ng Xiamen Airlines sa main runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Eric Apolonio, Spokesman ng CAAP, haharap sa Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board ang mga opisyal at crew ng Xiamen Airlines.

Mahalaga aniya na maintindihan ng CAAP kung ano talaga ang sanhi ng pagsadsad ng Xiamen Airlines upang makagawa sila ng mga polisiya kung paano ito haharapin sakaling magkaroon ng kahalintulad na insidente.

Maliban dito, aalamin rin aniya nila kung anong penalty ang dapat nilang ipataw sa Xiamen Airlines.

Matatandaan na halos pitong daang (700) flights ang naapektuhan ng insidente.

“Sa amin po regulatory po kasi kami kaya kung anong problema lang ng mga aircraft especially may mga aksidenteng ganyan kami po ang in-charge diyan, ‘yan po ang mandate ng CAAP. So far, yung sabi nga nating accountability sa nangyaring ito hindi tayo puwedeng magsisihan eh, ang kailangan we have to move forward, pag-aralan kung anong pagkukulang at ilagay natin sa tama para next time na mangyari ito madali nang maresolba ang issue.” Pahayag ni Apolonio

Len Aguirre / (Balitang Todong Lakas Interview)

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -