30 C
Manila
Friday, March 29, 2024

COVID-19 patients na binigyan ng Remdesivir nakitaan ng magandang resulta —WHO

- Advertisement -

Ipinabatid ng World Health Organization (WHO) na nakitaan nila ng magandang resulta ang ilang coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients na binigyan ng gamot na Remdesivir.

Ang Remdesivir ay gamot para sa Ebola virus na umano’y epektibo rin sa COVID-19.

Bagamat mayroong positibong resulta, nilinaw naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi pa ito pinal hanggat hindi pa nakukumpleto ang clinical trial.

Samantala, bukod sa Remdesivir, ang ilan pang mga gamot na ginagamit sa solidarity trial ng WHO na posibleng gamot sa COVID-19 ay ang anti-malarial drug na Hydroxychloroqine, anti-retroviral drugs na Lopinavir at Ritonavir.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -