29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

COVID-19 death toll sa buong mundo umabot na sa 350,196

- Advertisement -

Sumampa na 350,196 ang death toll sa buong mundo dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa pinakahuling tala ng Agence France-Presse (AFP), pinakamaraming naitala sa kabuuang bilang ng nasawi ay mula sa Estados Unidos na may 98,929 sinundan naman ito ng Britain na may 37,048, Italy na may 32,955, France na may 28,530 at sa Spain na may 27,117.

Samantala, lumobo naman sa 5,589,389 ang kabuuang bilang ng positibo sa COVID-19 sa buong mundo habang nasa mahigit dalawang milyon tatlong daan at sampung libo naman ang nakarekober sa sakit.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -