- Advertisement -
Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga pulis na tinatamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay sa pinakahuling tala ng PNP health service, umakyat na sa 298 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa hanay ng pulisya.
Nasa 730 naman ang mga pulis na itinuturing na probable case sa COVID-19 habang nananatili naman sa 588 ang suspected cases.
Samatala, umabot naman sa 147 ang bilang ng mga pulis na nakarekober sa sakit habang nananatili naman sa apat ang nasawi.
- Advertisement -