Radio Philippines Network
Headlines National News

COVID-19 cases sa bansa posibleng lumobo sa 60,000 sa Hulyo —study

Posibleng lumobo sa 60,000 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa, pagsapit ng ika-31 ng Hulyo.

Ito ang lumabas sa pag-aaral ng isang grupo ng mga eksperto sa University of the Philippines (UP) na kinabibilangan nina Mathematics Professor Fr. Guido David, Up Political Science Assistant Prof. Ranjit Singh Rye, Ma. Patricia Agbulos ng Octa Research at Biology Professor Re. Fr. Nicanor Austriaco ng Providence College at University of Santo Tomas.

Lumalabas  rin sa kanilang pag-aaral na posibleng aabot sa 27,000 ang mahahawaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) pagsapit ng ika-31 ng Hulyo, habang 15,000 naman sa Cebu City kung saan mas mataas ang transmission rate kumpara sa ibang lugar sa bansa.

Ibinase umano ng grupo ang kanilang pagtaya sa kasalukuyang bilang ng mga nagkakaroon ng virus.

Batay naman sa kanilang obserbasyon, ang bilang ng mga bagong kaso sa NCR ay may average na 271 sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ); 396 sa ilalim ng modified ECQ; habang 583 naman sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Ang rate umano ng mga nagpopositibo nitong nakaraang dalawang linggo ay nagpapakita na ang pandemic at mas kumakalat sa bansa.

Related posts

Pagbubukas ng klase sa August 24 ‘wag pilitin kung ‘di kaya —Robredo

Powered by DWIZ

Lebel ng tubig sa Angat nakababawi na

Powered by DWIZ

Pagkontrol sa ASF dapat isunod sa international standards — WAP

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More