COVID-19 antibody test kits mula China inayawan ng India

0
26

Umurong ang top medical body ng India sa inorder nitong halos kalahating milyong coronavirus disease 2019 (COVID-19) antibody test kits na gawang China.

Sa pahayag ng Indian Council of Medical Research (ICMR), sinabi nito na bukod anila sa palpak na test kits, ay masyado ring mahal ang presyo ng mga ito.

Dagdag pa ng ICMR, hindi rin umano sensitive ang mga sample test kits na ginawa ng dalawang Chinese manufacturer at siguradong hindi pasado sa international standards ng medisina.

Nauna rito, tinanggap ng India ang halos isang milyong rapid test kits mula China dahil kailangan agad nitong ma-trace ang pagkalat ng nakamamatay na virus.

Samantala, sa pagtataya naman ng mga health experts, nakita ng mga ito na malaki ang naitulong ng ipinatupad na nationwide lockdown, kung kaya’t bumagal ang pakalat ng COVID-19 sa India.