COVID-19 accredited testing facilities sa bansa nasa 97 na — NTF

0
14

Sumampa na sa halos 100 ang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing facilities sa Pilipinas.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 Spokesman Retired Maj. General Restituto Padilla, nasa kabuuang 97 na ang bilang ng mga accredited testing facilities sa bansa.

Una rito, sinabi ng Department of Health (DOH) na naabot na ng pamahalaan ang target na maisalang sa COVID-19 testing ang nasa 2 milyong mga Filipino.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Padilla na tinutulungan din ng NTF ang mga lokal na pamahalaan na paigtingin pa ang kanilang kapasidad na mag-test at para sa contact tracing upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.