35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Countdown para sa magiging hatol sa Maguindanao massacre case inilunsad ng NUJP

- Advertisement -

Naglunsad ng countdown ang National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) para sa pagbaba ng hatol sa Maguindanao massacre case.

Sa Disyembre 19, ganap na 9 a.m. sa Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City ibababa na ang hatol sa may isandaang akusado sa pagmasaker sa 58 katao nuong 2009.

Ayon sa NUJP, inaasahan nila ang guilty verdict sa mga akusado na pinangungunahan nina Datu Andal “Unsay” Ampatuan Jr. at mga kapatid nitong sina Zaldy at Sajid.

Gayunman, nakakalungkot pa rin umano dahil halos 80 sa mga akusado ang nananatiling malaya pagkaraan ng 10 taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -