Closing ceremony ng SEA Games ngayong araw inaasahang magdudulot ng mabigat na trapiko sa Metro Manila

Closing ceremony ng SEA Games ngayong araw inaasahang magdudulot ng mabigat na trapiko sa Metro Manila

by Powered by DWIZ
37 views

Asahan na ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa EDSA at iba pang mga pangunahing lansangan sa Metro Manila ngayong araw.

Ito ay dahil sa pagtatapos ng 30th Southeast Asian (SEA Games) kung saan gaganapin sa New Clark City ang closing ceremony.

Ayon sa MMDA, hindi bababa sa 114 na bus at iba pang mga sasakyan ng SEA Games delegates ang ba-byahe mula sa kanilang mga hotel sa iba’t ibang panig ng Metro Manila patungong Tarlac sa hapon.

Dahil dito, inabisuhan ng MMDA ang mga motorista na iwasan ang yellow lane para bigyang daan ang mga convoy.

Gagamitin umano ang naturang linya, inserts patungo sa mga flyover at mga tunnel at underpass sa EDSA.

0 comment

Related Posts