29.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Clearing ops sa Tondo isinagawa

- Advertisement -

Nagsagawa ng clearing operations sa bahagi ng Moriones sa Tondo ang mga tauhan ng Manila City Hall na pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno.

Kasama ng Alkalde ang mga miyembro ng Manila Department of Public Service, Manila Department of Public Works at iba pa.

Bumungad ang isang center island na ginawang tambakan ng mga gamit ng mga residente.

Pinagbabaklas ang mga bakod, container vans at iba pang nakaharang sa daan.

Pinatawag naman ni Moreno ang kapitan ng barangay at inatasan nito na linisin at ayusin ang kanyang nasasakupan.

Samantala, binalaan din ng Alkalde ang iba pang barangay captain ng lungsod na kung hindi susunod ay sasampahan ito ng kaso sa Department of Interior and Local Government (DILG). — ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -