35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

CITIRA law nais ipasa na sa kongreso

- Advertisement -

Nais ng Department of Finance (DOF) na ipasa na ng kongreso ang corporate tax reform sa bago sumapit ang Hunyo 3.

Ayon kay Finance Sec. Carlos Dominguez III, makatutulong kasi ang Corporate Income Tax and Incentives Rationalization Act (CITIRA) upang makapang-enganyo ng mga dayuhang investors.

Sa ilalim ng panukala, ibaba ng 30 hanggang 20% ang rate ng Corporate Income Tax (CIT) sa loob ng 10 taon.

Layon din ng panukala na gawing prayoridad ang pagbibigay ng incentives sa mga negosyo na makapagpapataas naman ng domestic employment na makapapapalakas naman ng ekonomiya ng bansa.

Kasabay nito, sinabi naman ni Senate President Vicente Sotto III na gagawin ng Senado ang lahat ng kanilang makakaya upang maipasa ang nasabing panukala.

Matatandaang, Marso pa ng sertipikahan bilang urgent bill ni Pang. Rodrigo Duterte ang nabanggit na panukala.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -