Chinese national na nag-eskandalo, nandura sa isang fast food chain sa Maynila, arestado

Chinese national na nag-eskandalo, nandura sa isang fast food chain sa Maynila, arestado

by Powered by DWIZ
42 views

Naaresto na ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMART) ang isang Chinese national na nandura at nambastos sa mga crew at security guard ng isang fast food chain sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang suspek na si Jinxiong Cai alyas Willy Choi, 35 taong gulang na negosyante at residente ng Orchard Garden, Masangkay Street sa Tondo.

Nabatid na ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno ang pag-aresto sa naturang suspek matapos na mag-trending sa social media ang paninigaw at pandudura nito sa isang fast food chain dahil naiinip ito sa kanyang order.

Sa ngayon, nahaharap ang suspek sa reklamong grave scandal, unjust vexation at malicious mischief.

0 comment

Related Posts