30 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Chief Tanod Arestado Sa Isinagawang Buy Bust Operation Sa Camarines Sur

- Advertisement -

Arestado ang isang chief tanod ng Barangay Pinit, Ocampo, Camarines Sur matapos ang isinagawang buy bust operation ng mga otoridad.

Ayon kay PMaj Bernardo Peñero, hepe ng Ocampo MPS, sinabi nito na kinilala ang suspek na si Miguel Arejola, 53- anyos residente ng nasabing lugar, kung saan napag-alaman rin na dati na umanong kasali sa drugs watchlist ang nasabing suspek.

Ayon pa kay Peñero, narekuber sa suspek ang aabot sa 11 pirasong heat sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu, buy bust money at isang Caliber .45 na baril gayundin ang pitong ammunitions.

Samantala, hinihintay na lamang umano ng mga otoridad ang resulta ng isinagawang drug test kung saan posibleng maharap sa patong-patong na kaso ang nasabing suspek.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad si Arejola para sa karampatang disposiyon.
(Melvin Barayoga, RPN DZKI Iriga OIC)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -