29.8 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Cebu Pacific muling magbabawas ng empleyado

- Advertisement -

Muling magbabawas ang airline company na Cebu Pacific ng mga empleyado dahil sa nagpapatuloy na epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ekonomiya.

Batay sa inilabas na pahayag ng Cebu Pacific, nasa 800 empleyado pa ang kanilang tatanggalin o ilalay off sa buwan ng agosto.

Dahil pa rin ito sa laki ng lugi ng kumpanya bunsod ng mga umiiral na restriksyon sa pagbiyahe, at dahil na rin sa mga alituntunin sa pagpasok ng bagong normal o ang tinatawag na new normal.

Gayunman, nakasaad din sa pahayag ng Cebu Pacific na makatatanggap ng retrenchment package ang mga empleyadong tinanggal na anila’y ‘above and beyond’ sa itinakda ng batas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -