Cebu LGU nakikiusap sa pamahalaan na isailalim pa rin sa ECQ ang lungsod

0
40

Nakikiusap ang lokal na pamahalaan ng Cebu City sa pamahalaan na ituloy-tuloy pa rin ang pagsailalim sa lungsod sa enhanced community quarantine (ECQ).

Ito ay matapos na ianunisyo, kahapon ni IATF at Presidential Spokesman Harry Roque na isasailalim na lamang sa modified enhanced community quarantine (MECQ) na ang Cebu City simula sa Mayo 16 hanggang sa 31.

Ayon kay Cebu City Mayor Edgardo Labella, kabilang sa mga siyudad na nais ding ilagay pa rin sa ECQ ang Mandaue at Lapu-Lapu City dahil sa dami ng kanilang populasyon.

Aniya mula sa 10,000 isinailalim sa COVID-19 tests ay nasa higit 1,000 rito ang nagpositibo sa covid-19.

Hindi aniya kasi pwedeng maging kampante ang pamahalaan kaya’t nais nilang bigyan sila ng kunsiderasyon ng gobyerno lalo na’t nagpapatuloy pa rin ang kanilang pagsasagawa ng rapid mass testing.