Radio Philippines Network
National News

Cashless payment sa toll isinusulong

Isinusulong ni Valenzuela Representative Wes Gatchalian sa kamara ang cashless payment sa toll upang maiwasan ang physical contact at pagkahawa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa inihain nitong House Bill 6119, nais nitong gawing unified cashless collection ang pagbabayad sa mga expressway upang wala nang maging contact sa pagitan ng mga byahero at toll collectors.

Bukod dito ay maiiwasan rin aniya ang cross-border transmission o pagtawid ng COVID-19 mula sa infected na lugar hanggang sa mga probinsya.

Nais din ni Gatchalian na obligahin ang lahat ng toll collection facilities sa mga expressway na gumamit ng technology at electronic toll collection programs.

Samantala, binigyan naman ng mandato ang Department of Transportation (DOTr) sa pakikipagtulungan sa Department of Science and Technology (DOST) upang lumikha ng multi-protocol radio frequency identification (RFID) at national electronic toll collection system na siyang gagamitin para sa isinusulong na cashless payments.

Related posts

Inilabas na travel advisory ng US sa Pilipinas sinusuring maigi ng Palasyo

Powered by DWIZ

Walang mangyayaring coup d’état sa Duterte administration – AFP

Powered by DWIZ

Papa-expire na gamot kontra diabetes na naka-imbak, ipagmamadali ng ipamahagi

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More