28.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Cam Sur Patuloy Na COVID Free Handan A Rin Sa Pagpatupad Ng MGCQ

- Advertisement -

Iriga City, May 29, 2020. Kahit na isasailalim na sa Modified General Community Quarantine an lalawigan ng Camarines Sur at mga Lungsod ng Iriga at Naga hinde pa rin aalisin ang mga control at boarder check point papasok at palabas ng lalawigan.

Ito ang lininaw ni Gov. Migz Villafuerte ng Camarines Sur kasabay sa kanyang paalala sa lahat na may mga panuntunan pa na kailangan sundin sa MGCQ.

Ayon sa kanya linuwagan lamang ang pagpasok sa trabaho, pagbubukas ng mga negosyo at opisina asin nagbukas na rin ang ibang recreational at personal care services, subalit kailangan pa ang pagsunod sa health protocols ng DOH.

Nagpasalamat pa ang gobernador sa pagigin covid-free ng Camarines Sur matapos na mag-negatibo  ang covid-19 test sa isang driver ng provincial capitol na nauna ng nag-positive.

Sa ngayon ang bicol ay mayroong 69 positive covid-19 cases, na karamihan ay mula sa Legazpi City at lalawigan ng Albay.

Una rito, may tatlong kaso an Camarines Sur at apat sa Naga City subalit lahat ng ito ay negative na sa ginawang confirmatory test ng DOH.

 

-M. Barayoga

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -