35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Byahe ng tren sa Austria patungo at galing Italy sinuspinde dahil sa banta ng COVID-19

- Advertisement -

Suspendido muna ang lahat ng byahe ng mga tren sa Austria mula at patungo sa Italy.

Kasunod na rin ito nang mabilis na pagdami ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Italy kung saan naitala ang tatlo kataong nasawi.

Simula linggo ng gabi ay hindi na pinapasok sa Austria ang isang tren na galing Italy.

Ito ay matapos ihayag ng Italian State Railways na dalawa sa pasahero ng tren ang may sintomas ng lagnat.

Hindi na rin pinabiyahe ang tren mula Venice patungong Munich.

Nagpapatupad naman ng lockdown sa Italy sa mga bayang apektado ng COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -