Buong quarantine team ng Bureau of Animal Industry sa NAIA sinibak

0
44

Sinibak ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang buong quarantine group na nakadestino sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport.

Ito’y dahil sa kabiguan nilang magpatupad ng mga protocol upang maharang ang pagpasok ng mga pork products sa bansa na apektado ng African Swine Flu.

Napag-alaman ng kalihim na tanging ang quarantine group lamang ng naia ang tanging hindi sumunod sa kaniyang direktiba na maglagay ng foothbath sa lahat ng entry points sa bansa gayundin ang pagharang at pagkumpiska sa lahat ng pumapasok na pork based products.

Hindi rin tinanggap ni Piñol ang aniya palusot ng mga sinibak na quarantine officers.

Samantala, inihayag naman ng Bureau of Animal Industry na napalitan na ang quarantine group sa nakatagala sa NAIA.

Naglagay na rin sila ng footh baths sa lahat ng entry points bilang bahagi ng protocol kung saan, kinakailangang dumaan dito ang mga bumibiyahe pa-labas ng bansa para mag-disinfect.