27.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Bumagsak na poste, nagdulot ng trapik sa EDSA

- Advertisement -

Bumigat ang daloy ng trapiko sa EDSA ngayong umaga dahil sa poste ng ilaw na bumagsak sa EDSA-Ortigas flyover Southbound.

Naperwisyo naman ang kabilang bahagi ng EDSA gawa ng paglaylay ng kadugtong nitong isa pang poste ng ilaw sa bahagi ng EDSA-Ortigas flyover Northbound.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang dulo ng inabot ng matinding trapiko ay umabot pa sa Timog flyover.

Habang umabot naman ang dulo ng trapiko sa Magallanes sa bahagi ng Northbound.

Samantala, naialis naman bago mag ala-siyete ngayong umaga ang bumagsak na mga poste.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -