35.7 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

BTC kuntento sa takbo ng bicam conference sa BBL

- Advertisement -

Kuntento si Bangsamoro Transition Commission Chairman Ghadzali Jaafar sa takbo ng isinasagawang bilateral conference sa panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.

Ayon kay Jaafar, wala silang nakikitang problema sa nagpapatuloy na pagtalakay ng Senado at Kamara de Representantes sa mga probisyon ng panukalang BBL.

Tiwala rin si Jaafar na hindi malabnaw ang nilalaman ng tinatalakay na BBL at hihigitan pa nito ang organic act ng kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.

“Ang powers of the government are approved and we are satisfied, lahat ng ibinigay sa ARMM, nandiyan din at ibinalik sa probisyon na ‘yun under 9054, iba pang mahahalagang provisions katulad ng sharing sa taxations.” Ani Jaafar

Muli namang iginiit ni Jaafar na ang BBL na ang magiging sagot sa matagal nang inaasam na kapayapaan sa Mindanao.

“Ito na ang negotiative political solution sa problema natin sa Mindanao, it will bring in peace kapag na-implement ito magakakroon ng kapayaapn sa rehiyon na ‘yan ng Mindanao.” Pahayag ni Jaafar


Samantala, nakatakdang makipagpulong ang mga miyembro ng Bicameral Conference Commitee on the BBL o Bangsamoro Basic Law kay Pangulong Rodrigo Duterte mamayang hapon.

Ito ang inihayag ni Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas para matalakay aniya sa Pangulo ang mga kontrobersiyal na probisyon sa ilalim ng panukalang BBL.

Ayon kay Fariñas, hihingan nila ng komento si Pangulong Duterte partikular sa probisyon na may kinalaman sa mga teritoryong masasakop ng Bangsamoro government.

Gayundin ang mga probisyon sa ilalim ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro na nilagdaan noong 2014 at ipinasok sa panuklaang BBL na posibleng may paglabag sa konstitusyon.

(Ulat ni Jill Resontoc)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -