29.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Brgy kagawad nakaligtas sa ambush sa Cebu; suspek na pulis napatay

- Advertisement -

Nakaligtas sa tangkang pananambang ang isang barangay kagawad sa Cebu City matapos mapatay ang umano’y suspek na napag-alamang aktibong pulis.

Kinilala ang kagawad na si Jessilou Cadungog na dating kapitan ng barangay Tejero at ang napatay umanong suspek na si PO3 Eugene Calumba.

Lunes nang umaga nang mapansin ng driver ni Cadungog na may riding-in-tandem na nakabuntot sa kanyang amo at bumunot ng baril ang isa sa mga sakay ng motorsiklo kaya’t nagpaputok na ang tsuper.

Agad napatay si Calumba habang nasugatan at nadakip ang rider ng motorsiklo at kasabwat niyang si Michael Banua, na miyembro naman ng barangay peacekeeping action team.

Samantala, iba naman ang istorya ng mga pulis at iginiit na si Cadungog ang unang bumaril kay Calumba na nagkataong nasa lugar kanto ng T. Padilla Extension at Alviola Street.

Inihayag ni Chief Supt. Debold Sinas, Regional Director ng PRO-7 na nag-su-surveillance sina Calumba at Banua sa barangay Tejero dahil umano sa dami ng kaso ng droga.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -