35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Border Control Sa Probinsya Ng Camarines Sur, Mas Pinahigpit

- Advertisement -

Iriga City – Muling ipinatupad ngayon ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte ang mahigpit na pagbabantay sa mga border control sa nasabing probinsya.

Base sa memorandum na ipinalabas ni Governor Villafuerte nakasaad dito na magtatagal muli ng isang buwan ang nasabing resolution na ipapatupad sa ilalim ng Executive order No.01, series of 2021 alinsunod sa guidelines ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).

Magpapatuloy umano ang pagsasailalim sa antigen testing ng mga pasaherong papasok sa nasabing probinsya kung saan isasagawa mismo ito sa bayan ng Del Gallego.

Dahil narin sa muling paglubo ng COVID-19 cases sa ating bansa ay panawagan narin ng nasabing gobernador na panatilihin ang pagsunod sa mga health protocols, kung saan ito’y para narin umano sa kaligtasan ng lahat.

(Source: Provincial Office of Camarines Sur)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -