BJMP personnel’s ido-donate ang bahagi ng kanilang suweldo vs. COVID-19

0
10

Ido-donate na ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang bahagi ng kanilang suweldo upang magamit na pondong pantugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay BJMP Spokesperson Jail Inspector Xavier Solda, target ng BJMP na maka-kolekta ng kabuuang P7-M.

Aniya, nasa 1.5% ng kanilang base pay ang kanilang ilalaan kung saan aabot ito sa P7.23-M at magagamit para sa pondong ipantutulong ng pamahalaan para sa COVID-19 response.

Ayon kay solda nasa 14,875 ang bilang ng mga BJMP personnels sa bansa