Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

Biyahe ng PNR madaragdagan na sa mga susunod na araw

Madaragdagan na ang byahe ng Philippine National Railways (PNR) sa mga susunod na araw.

Ito ay sa pagdating ng anim na bagong diesel multiple unit rail cars na mula sa Indonesia na aarangkada na sa Lunes.

Ayon kay Joselino Geronimo, tagapagsalita ng PNR, ang anim na mga bagong bagon ay bubuo sa dalawang DMU train set ng PNR na siyang makakadagdag ng 18 hanggang 20 biyahe kada raw.

Ang magiging ruta nito ay Tutuban hanggang FTI at Malabon hanggang FTI.

Inaasahan na higit na makikinabang sa bagong rail cars ang mga bumibyahe mula sa southern part ng Luzon hanggang sa Maynila at pabalik.

Kahapon ng umaga ay isinagawa ang official arrival launch para sa mga bagong bagon sa Port Area Manila kung saan dinaluhan ng ilang opisyal ng pamahalaan.

Related posts

Pahalik sa Nazareno nagsimula na

Powered by DWIZ

COVID-19 drive-thru testing sa Maynila ilulunsad

Powered by DWIZ

Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa pumalo na sa 6-K

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More