Muling nagka-aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit-3 kanina.
Ayon kay Transportation Undersecretary for Rails Timothy John Batan, dalawang maintenance vehicle o unimogs ang nagbanggaan sa Buendia at Guadalupe stations, dakong alas-3:00 nang madaling araw sa kasagsagan ng maintenance.
Ilang personnel anya ang nasugatan sa aksidente na sanhi naman ng isang oras na delay sa deployment ng mga tren.
Dahil dito, nag-bus na lamang ang ilang pasahero upang hindi ma-late sa kanilang trabaho.
Dakong alas-6:30 na nang magbalik-normal ang operasyon at makasakay ang mga pasahero ng MRT-3.
—-