27.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Bise alkalde patay matapos tambangan sa Cavite

- Advertisement -

(2ND Update)

Patay ang bise alkalde ng Trece Martires City, Cavite matapos tambangan, kahapon.

Kinilala ang biktima na si Vice Mayor Alex Lubigan na pinagbabaril sa tapat ng korean hospital sa Barangay Luciano, dakong 3:00 ng hapon.

Ayon kay CALABARZON Police Regional Director, Chief Supt. Edward Carranza, patay din ang driver ni Lubigan na kinilalang si Romulo Guillemer habang sugatan ang kasama nilang si Romeo Edrinal.

Binabaybay anya ng bise alkalde ang Trece Martires- Indang Road lulan ng Toyota Hilux na may plakang YV-4077 nang pagbabarilin ng mga salarin na sakay naman ng hindi naplakahang itim na mitsubishi montero.

Inaalam na kung ano ang motibo sa pamamaslang at sino ang posibleng nasa likod nito.

Pinaslang si Lubigan ilang araw lamang matapos patayin sina Mayor Antonio Halili ng Tanauan City, Batangas at Mayor Ferdinand Bote ng General Tinio, Nueva Ecija.

Si Lubigan ang ikalimang bise alkaldeng pinatay simula nang maluklok sa Malakanyang si Pangulong Rodrigo Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -