30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Bilang ng PUIs sa bansa dahil sa COVID-19 pumalo na sa halos 500 —DOH

- Advertisement -

Pumalo na sa 487 katao ang bilang ng mga persons under investigations (PUIs) dahil sa coronavirus disease (COVID-19) ngayong Sabado.

Sa pinakahuling update na ipinalabas ng Department of Health, 154 dito ang kasalukuyang naka admit sa ibat-ibang ospital at patuloy na binabantayan ng DOH.

Samantalang 330 naman sa mga PUIs ay na discharged na ayon kay Health Assistant Secretary Rosette Vergeire.

Sa ngayon ayon sa DOH, wala pang naitatalang local transmission ng COVID-19.

Ibig sabihin ay wala pang kaso na ang isang Pilipino ay nahawa mula sa isa pang Pilipino.

Subalit sinabi ng DOH na pinaghahandaan nila ito para sa mas pinaigting na pagresponde.

Tiniyak rin ng Health departmernt ang kahandaan ng kanilang mga health facilities para sa pag-aadmit ng karagdagang mga pasyenteng magpapakita ng sintomas ng COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -