Home Headlines Bilang ng nasawi sa leptospirosis sumampa na sa 73

Bilang ng nasawi sa leptospirosis sumampa na sa 73

0

Umakyat na sa 73 ang naitalang nasawi sa leptospirosis ngayong 2018.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mas mataas ang naturang bilang ng 275 percent kumpara sa naitalang kaso ng leptospirosis noong nakaraang taon.

Batay pa sa tala ng DOH, aabot na sa 561 ang mga naitalang dinala sa ospital dahil sa leptospirosis.

Payo ni Duque sa publiko, agad magpatingin sa ospital kapag nakaranas ng sintomas ng nasabing sakit at iwasan na lumusong sa baha.

Sinabi ni Duque na maituturing na “high-risk” sa leptospirosis ang mga taong nagtatrabaho sa “disaster preparedness” at nakatira sa mga lugar na laging binabaha.

—-

 

 

Bilang ng nasawi sa leptospirosis sumampa na sa 73 was last modified: July 20th, 2018 by Arianne Palma

Exit mobile version