Bilang ng nasasawing doktor sa bansa dahil sa COVID-19 patuloy na nadadagdagan

Bilang ng nasasawing doktor sa bansa dahil sa COVID-19 patuloy na nadadagdagan

by Powered by DWIZ
39 views

Isa na namang doktor ang pumanaw dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa Facebook post ni Leandro Castillo Resurreccion IV, ipinabatid nito ang pagpanaw ng kaniyang amang si Dr. Leandro Resurreccion III na isang pediatric transplant surgeon.

Ang nasabing doktor ay nasawi dahil sa acute respiratory failure dulot ng COVID-19 kaninang pasado 6 a.m.

Sinabi ng batang Resurreccion na nais niyang maalala ang naging pagsisilbi ng ama bilang doktor at hindi ang naging sitwasyon nito sa paglaban sa COVID-19.

Hindi lamang aniya nagsilbing doktor ang kanilang ama kundi nagsilbi rin itong ‘citizen of the world’ na tumulong mag alaga at lumaban sa nakakahawang sakit.

0 comment

Related Posts