Bilang ng nakumpiska na paputok sa siudad ng Baguio

0
3

Ang Baguio City Police Office ay nakapagtala ng kabuang 7,415 piraso ng paputok na nakumpiska simula ng alas diyes ng Enero a primero ng taong ito. Ito ang sinabi ni Baguio City Police office City Police Col. Francis Bulwayan. Hindi nagbigay ng detalye kung anong klaseng paputok ang nakumpiska. Habang natutuwa ang ilan sa pagkakumpiska ng naturang paputok sapagkat hindi na ito magdudulot ng panganib sa madla.

Samantala, ang iba ay tinitignan ito sa mahigpit na utos ng PNP National Headquarters sa pagbebenta, paggawa, pamamahagi at ang paggamit ng paputok at iba pang Pyrotechnic Devices sa pagkakakumpiska ng naturang mga paputok.

Samantala, ang Lungsod ng Baguio City ay nakapagtala ng 5 insidente ng fire cracker related injuries na sanhi ng boga, kwitis at ng 5 star.

Ang kabuang crime volume ng Lungsod ng Baguio noong panahon ng Kapaskuhan ay bumaba. Ito ang ipinahayag ni Baguio City Police Office Chief, Police COL FRANCISCO B BULAWAYAN JR. Sinabi ni Bulawayan na 56.47% ang ibinaba ng insidente ng krimen sa nakaraang paggunita ng Kapaskuhan.

Ayon sa datos ng Crime Information Reporting and Analysis System (CIRAS) ay bumagsak sa 48 ang mga kaso mula Disyembre 21 hangang 31, nagpapakita lamang na kapuri-puri na pagpapabuti sa larangan ng pampublikong kaligtasan sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Ang ulat ay kategoryang krimen sa index at non-index, na may kapansin-pansin na pagbaba ng 33.33% krimen tulad ng pagpatay, pagnanakaw at panggagahasa.

(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Police Office)

Leave a Reply