32 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Bilang ng mga Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 na nasa ibang bansa umakyat na sa 2,431

- Advertisement -

Nadagdagan pa ng 26 ang bilang ng mga Filipinong nasa ibang bansa na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dahilan kaya umakyat na sa kabuuang 2,431 ang bilang ng mga Filipino abroad na nahawaan ng virus.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), mahigit 1,300 sa nabanggit na bilang ang patuloy pa ring ginagamot.

Habang nasa 849 na ang kabuuang bilang ng mga Filipinong nasa ibang bansa ang gumaling mula sa COVID-19 matapos na makapagtala ng 21 bagong recoveries.

Samantala, nadagdagan naman ng isa ang nasawi na mayroon nang kabuuang bilang na 280.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -