28.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa buong mundo pumalo na sa 80,000

- Advertisement -

Umakyat pa sa mahigit 80,000 ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa 192 mga bansa sa buong mundo.

Batay sa tally ng AFP, mahigit 57 sa mga ito ay mula sa Europa kung saan nananatili pa ring pinaka-apektado ang Italy na mayroon ng mahigit 17,100 ng mga nasawi.

Sa opisyal na ulat din, pumalo na sa mahigit 1.39-M ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Pumapalo rin sa mahigit 4-B tao sa halos 100 mga bansa at teritoryo sa buong mundo ang apektado ng mga ipinatutupad na lockdown bilang hakbang para mapigilan ang lalong pagkalat ng virus.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -