Biglaang pagdami ng ‘Chinese-looking’ divers sa Bicol at Caraga Region ikinagulat ng PDEA

Biglaang pagdami ng ‘Chinese-looking’ divers sa Bicol at Caraga Region ikinagulat ng PDEA

by Powered by DWIZ
34 views

Tinututukan ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nakitang ‘Chinese-looking’ divers sa kagaratan ng Bicol at Caraga region.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, malaki ang posibilidad na tinutunton ng mga ito ang nagkalat na floating cocaine sa karagatan.

Aniya, nakagugulat na biglang dumami ang mga ‘Chinese-looking’ divers sa naturang mga lugar gayung hindi naman ito kilalang diving spots.

Matatandaang makailang beses na ring nakakuha ang ilang mangingisda ng bungkos ng cocaine na palutang lutang sa karagatan ng nasabing rehiyon.

0 comment

Related Posts