BI naka-alerto sa OFWs na patungo ng Iraq

BI naka-alerto sa OFWs na patungo ng Iraq

by Powered by DWIZ
51 views

Naka-alerto ang Bureau of Immigration (BI) sa NAIA sa mga pasaherong papalabas ng bansa at pupuntang Dubai, UAE.

Ito ay matapos ang napa-ulat na ginagamit bilang sindikato ng human trafficking ang UAE bilang transit point patungo ng Iraq.

Mahigpit na nagkasa ng screening ngayon ang mga immigration officers sa mga pasahero na tutungo sa Dubai partikular na sa mga nagpapanggap lamang na turista.

Magugunitang una nang inalerto ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang immigration, makaraang may lumabas na report na ginagamit ng illegal recruiters ang social media para makapag biktima ng OFW’s papuntang Iraq.

0 comment

Related Posts