BI chief pinagpapaliwanag ni Duterte —Panelo

BI chief pinagpapaliwanag ni Duterte —Panelo

by Powered by DWIZ
49 views

Ipinagpapaliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bureau of Immigration (BI) chief Jaime Morente kung paano nito pinamumunuan ang ahensya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nais ng pangulo na malaman ang ginagawang pamumuno ni Morente kasunod ng natuklasang “pastillas scheme”.

Aniya, sakaling hindi padaluhin sa pagpupulong ng mga gabinete si Morente ay inaasahan naman ipiprisinta ni Justice secretary Menardo Guevarra ang sistema ng operasyon at pamamahala nito sa BI.  —ulat mula kay Jopel pelenio (Patrol 17)

0 comment

Related Posts