29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

BI chief ‘di ligtas sa sibakan sa “pastillas scheme” —Panelo

- Advertisement -

Tiniyak ng Malacañang na hindi ligtas si Bureau of Immigration (BI) chief Jaime Morente sa sibakan kaugnay sa nabunyag na “pastillas scheme” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sakaling mapatunayan na dapat may pananagutan si Morente sa naturang modus ay tiyak na sisibakin rin ito sa posisyon kahit pa malapit itong kaibigan ni Pangulong Duterte.

Iginiit pa nito na walang sinumang miyembro ng gabinete ang ililigtas sa oras na mapatunayang sangkot ito sa isang katiwalian.

Samantala, magugunitang una nang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng opisyal at empleyado ng Immigration na nadawit sa “pastillas scheme”. —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -