BFP nagpaalala sa posibleng pagtaas ng fire incidents sa Disyembre

0
58

Nagpaalala ang Bureau of Fire Protection (BFP) kaugnay sa posibleng pagtaas ng bilang ng insidente ng sunog sa Disyembre.

Ayon kay BFP-NCR Director Fire Chief Supt. Roel Diaz, ito ay dahil sa mga Christmas decorations tulad ng Christmas lights.

Payao ni Diaz, ugaliing ipa-check ang electrical wiring ng tahanan at maging din alerto sa mga nakakasaksak na gamit bago umalis ng bahay.

Batay sa datos ng BFP umabot sa 4,004 ang naitalang sunog nitong 2018 at inaasahang madadagdagan pa dahil sa mga overheating at pag iiwan ng mga nakasaksak na Christmas light.

Dahil dito, isasailalim sa heightened alert ang BFP sa pagpasok ng Disyembre kung saan naka antabay ang lahat ng kanilang tauhan.