Bersamin itinalagang bagong pinuno ng GSIS

Bersamin itinalagang bagong pinuno ng GSIS

by Powered by DWIZ
29 views

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang pinuno ng Government Service Insurance System (GSIS) si dating Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin.

Ito ang kinumpirma ni SEN. Christopher BONG GO kaugnay sa bagong posisyon ni Bersamin.

Ani Go nakapanumpa na rin si Bersamin sa Pangulo noon pang nakaraang linggo.

Magugunitang tumayong officer in charge ng GSIS si Rolando Macasaet matapos magbitiw sa pwesto si Jesus Clint Aranas.

Naging kwestyunable ang pamamalakad ni Aranas sa GSIS kaya’t nawalan ng kumpiyansa ang Pangulo rito.

0 comment

Related Posts