32.7 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Bayanihan 2 isinusulong sa Senado

- Advertisement -

Pinag-aaralan ng Senado ang pagpasa sa isang panuntunan na layong palawigin ang sakop ng government assistance program ngayong krisis dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Zubiri, ikinukunsidera ng Senado ang pagpasa ng Bayanihan 2, kung saan sakop na rin nito ang micro, small at medium enterprise, maging ang mga stakeholders sa industriya ng turismo at transportasyon.

Sinabi ni Zubiri na makatwiran lamang na mapasama ang mga ito bilang benepisyaryo ng ayuda ng gobyerno dahil higit din ang epekto sa mga ito ng lockdown bunsod ng pagkalat ng sakit.

Gayunman, paguusapan pa umano ang iba pang inisyatibo na maaari pang isama sa ilalim ng Bayanihan 2.

Kasama rin umano sa tatalakayin ay kung papaano muling makakabangon ang ekonomiya ng bansa at maiibsan ang epekto ng krisis bunsod ng COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -