34.3 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Batas na nagbabawal sa mga nagpakulong kay De Lima na makapasok sa U.S. hindi na i-aapela ng Palasyo

- Advertisement -

Hindi na i-aapela pa ng Palasyo ng Malacañang ang hakbang ng Estados Unidos na huwag nang papasukin sa Amerika ang lahat ng mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa pagpapakulong kay Senator Leila De Lima.

Ito ay matapos na lagdaan ni U.S. President Donald Trump ang U.S. 2020 national budget kung saan kabilang dito ang probisyon na nag-ba-ban sa mga opisyal ng gobyerno na makapasok sa Amerika dahil sa umano’y wrongful imprisonment kay De Lima.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, tatalima ang pamahalaan sa kautusan na ito ng Estados Unidos ngunit iginiit ni Panelo na naayon sa batas ang pagpapakulong sa senadora.

Dagdag pa ni Panelo, nakasaad din sa probisyon na nilagdaan ni Trump na maari namang bawiin ang naturang kautusan sa oras na mapatunayan na hindi “credible” ang mga natanggap na impormasyon ng Estados Unidos.

Matatandaang, una nang tinawag na politically motivated ng malacañang ang naturang hakbang lalo na’t mistula aniyang nakiki-alam ang amerika sa hurisdiksyon at justice system sa Pilipinas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -