Home Headlines Basilan blast inako na ng Islamic State

Basilan blast inako na ng Islamic State

0

Inako na ng grupong Islamic State ang suicide bombing sa Lamitan, Basilan.

Batay sa official news agency ng Islamic State na Amaq, isang Moroccan ang nagsagawa ng “martyrdom operation.”

Labing-isa (11) ang nasawi kabilang na ang limang sundalo at apat na sibilyan habang pito ang sugatan sa pagsabog na hinihinalang kagagawan ng Abu Sayyaf, na kapanalig ng ISIS.

Una ng inihayag ng militar na minamaneho ng pinaniniwalaang suicide bomber ang van na kargado ng pampasabog at i-detonate malapit sa isang checkpoint.

Ito ang kauna-unahang suicide at car bombing na inilunsad ng teroristang grupo sa Pilipinas.

Photo Credit: AFP

 

 

 

Basilan blast inako na ng Islamic State was last modified: August 1st, 2018 by Drew Nacino

Exit mobile version